“Huwag kang humarang sa banyo inday,
baka sa urinal ako bumigay.” Haha Ang kulit ng kantang to.
Mukhang nasa ibang timezone ako pag Valentine’s Day
Kanina nung ndi ako nakaharap sa computer, ang dami dami kong naiisip na isulat tungkol sa “holiday” kahapon. Na kesyo ndi lang naman para sa magkasintahan ang February 14. Na araw ‘to para maipamalas mo sa lahat ng mahal mo sa buhay kung gaano sila kahalaga sa’yo. Na dapat sa bawat araw ng taon, pinapakita mo yung pagmamahal mo sa lahat. Na ang katuturan ng Valentine’s day ay higit pa sa pagtaas ng presyo ng mga bulaklak sa Dangwa, ng pagiging sagana sa kita ng mga network providers at ng pagkakaroon ng bantang pangkalusugan para sa mga hikaing tulad ko dahil sa mga lecheng ga-higanteng mabalahibong stuffed toys na naglilipana tuwing Araw ng mga Puso.
Pero ndi tungkol dun yung litanya kong ‘to. Kasi tantsa kong ndi ko na kailangan pang ulitin ang mga ideyang yan kasi yun rin lang ng yun yung sinasabi ng sangkatauhan taun-taon. Kabisado na natin yan. Love is blind. Love is like a box of chocolates. Love is patient. Love is kind. Love is not jealous. Love is the answer. Love hurts. Love is like a rosary. Love is sweeter the second time around. Love makes the world go round. Kahit pa mag showdown tayo ngayon ng love quotes na may pustahan, walang mananalo dahil hangga’t may mga taong nagmamahalan, hindi tayo mauubusan ng mga tirada. Kaso wala akong pang pusta kaya sana wag ka sanang pumatol.
Sa dinami-dami na alam na love quotes ng isang tao, nagtataka lang ako kung ilan dun yung talagang kaya niyang isapuso. Buwan-buwang may pumapatok sa takilya na romantic movie na kakapulutan ng aral sa kung ano ang dapat nating gawin at ndi gawin sa isang relasyon. Kaso bakit andami pa ring nag-aasal bangenge para sa love na yan?
Malay ko rin. Naiisip ko lang, para lang rin siguro iyong panonood ng cooking show. Hindi mo naman masasabi kung masarap talaga yung niluluto sa TV hangga’t ndi mo pa naluto at natikman yun sa tunay na buhay. At kahit pa subukan mong gayahin yung napanood mo sa TV, ndi mo naman malalaman kung ganun ba talaga dapat yung lasa nung ginawa mo. Sa huli, ikaw pa rin ang makakapagsabi kung masarap ba talaga yung pinag-pantasyahan mong putahe o nadala ka lang ng pag-aakala mo.
Di ko alam kung anong punto ko. Gusto ko lang iparating na gaya ng milyun-milyong nilalang dito sa mundo, tanga din ako pag puso na ang usapan. Love is the great equalizer nga raw. Walang matalino, bobo, mayaman, mahirap, pangit, maganda, mataba, payat, bata o matanda pagdating sa pag-ibig. At kahit pa gaano karami ang payong napamahagi sa akin at nabigay ko sa iba, kahit gaano karaming artikulo at libro ang nabasa ko patungkol sa pakikipagrelasyon, kahit ilang beses na kong naluha, natawa, napangiti at natulala ng dahil sa pagmamahal, marami pa kong hindi alam tungkol sa pag-ibig.
Ang alam ko lang sa puntong ito eh hindi pwedeng magmahal ka ng ibang tao hangga’t hindi mo mahal ang sarili mo. Dahil kung hindi mo alam kung kelan mo paiiralin yung respeto mo sa sarili, binababa mo yung panangga mo laban sa kawalan ng respeto para sa pagkatao mo mula sa ibang tao. Sabi nga ni Mareng Whitney na namatay kamakailan lang, learning to love yourself is the greatest love of all. Kahit na mukhang hindi naman niya isinabuhay yun nung mga huling araw ng pamamalagi niya sa mundo, at least may point yung kanta niya. Ironic nga naman.
Alam ko na rin sa ngayon na kagaguhan yung mga katagang “You complete me.” Dahil hindi pwedeng sumalang ka sa isang relasyon nang hindi ka pa buo at hindi mo alam kung sino at ano ka. Kasi pag ganun, dinadaya mo lang yung taong pinaghuhugutan mo ng kasarinlan at higit sa lahat, niloloko mo lang yung sarili mo. Kaya nagkakaroon ng mga breakup line na “I need to find myself” at “It’s not you, it’s me” dahil bago pa pumasok sa relasyon eh ndi pa sigurado yung tao sa kung anong klaseng tao siya at kung anong gusto niya sa buhay. Utang na loob, wag kang maging ganun. At wag na wag mo nang gagamiting pangkalas sa jowa mo yung mga linyang yun na parang kinaskas na steel wool sa pagka-gasgas.
Alam ko nang hindi sapat na mahal mo ang isang tao para maging pang-habangbuhay yung relasyon niyo. Sisikip lalo ang Metro Manila kung patatayuan natin ng lahat ng rebulto ng mga taong nagpapaka-martyr dahil sa pag-ibig. Gaya ng naunang sinabi ko, dapat kilala mo na yung sarili mo bago ka makipag-relasyon. Kasi ndi ka pwedeng mag sakripisyo ng sarili mo kung wala ka namang kasarinlang isasakripisyo. Siguraduhin mo rin na yung taong pinaglalaanan mo ng pagmamahal, handa ring magsakripisyo para sayo. Kasi kung hindi, magagalit si Lord niyan. Iisa lang dapat ang Diyos mo. At kung pinahahalagahan mo Siya, hindi mo hahayaang malagay sa alanganin yung pagkataong ibinahagi Niya sa’yo.
Alam ko na rin na hindi sa lahat ng pagkakataon eh lalaban ka para sa taong mahal mo. Minsan dapat ipaglaban mo rin yung halaga mo bilang tao. Oo, hindi naman palaging madali at swabe ang isang pagsasama. Pero hindi ibig sabihin nun na kailangang palagi mong pinaghihirapang makamit yung mga bagay na dapat lang namang binibigay sayo ng walang kahirap-hirap tulad ng katotohanan, respeto at pagiintindi. Pag mahal ka ng isang tao, dapat nararamdaman mo na mahal ka nga niya. Ok lang na magduda ka kung talaga bang kaya niyang kumain ng isang buong pizza sa isang upuan at kung totoo bang nagagandahan siya sa haircut mo pero lagi ka niyang pinapatali ng buhok. Pero kung pati yung pagmamahal niya pagdududahan mo dahil sa paulit-ulit na panahong gumagawa siya ng bagay na alam niyang ikakasama ng loob mo, ibang usapan na yun. May mga bagay na hindi mo dapat idaan sa rationalization o pagkukumbinsi mo sa sarili. If something is telling you that a person is not right for you, then they probably aren’t. Chos. Oha. English yun.
Alam ko na ngayon na ang totoong sukatan kung tunay ang pagmamahal mo sa isang tao ay kung kaya mo siyang mahalin kahit pa wala ka nang makitang kamahal-mahal sa kanya. Pero ang mas magandang sukatan pa rin eh kung kaya mo siyang pakawalan kahit na mahal na mahal mo siya para lang mabigay mo sa kanya yung kaligayahan na hangad niya. Kasi nga naman pag mahal mo yung isang tao, ika nga ng bukambibig ng matinik na senador na si Juan Ponce Enrile, gusto mo happy siya. Kasi yung kaligayahan niya ay kaligayahan mo rin. Sabi ko nga dati, mas masarap namnamin yung kaligayahan pag hinuhugot mo galing sa kaligayahang ibinigay mo sa iba. Naks. Drama.
So paano na pag wala ka nang jowa? Teka. Nasa kanya ba yung baga mo? Ah, hindi? Edi wala lang. Tuloy ang ligaya. Yung mga panahon na wala kang kapares, yan yung mga panahon para pagtuunan mo ng panahon at extra-lurv ang sarili mo. Yan yung pagkakataon para gawin mo pang mas kagilagilalas yung pagkatao mo. Hindi yan yung oras para magmaktol ka dahil walang ginawa yung mga palabas sa TV kundi ipamukha sayo na ganun lang kadali magpalit-palit ng love team samantalang ikaw, umeeffort na mag move on. Kasi nga ikaw yung nasa realidad. Sila yung nasa TV, kung saan mahal ang airtime kaya laging may nakahandang finished product.
Wala namang rason para maging bitter pag walang nagpapaka-mushy sa’yo pagdilat mo sa umaga at bago ka pumikit sa gabi. Wala ring rason para mainggit sa mga taong may katuwang sa buhay bukod pa sa pamilya at kaibigan nila. Kasi lahat ng pinagdadaanan natin sa mundong ibabaw (labo), pana-panahon lang. Sa totoo lang, minsan malabo rin yung ibang tao. Pag walang karelasyon, ndi magkanda-ugaga na makahanap ng boyfriend/girlfriend. Pag andiyan na, magloloko naman o sasabihing they need space o I need to find myself o It’s not you, it’s me. Kaloka. Kaya wag kang makipag-relasyon kung hindi ka pa sigurado sa lagay ng puso mo o kung bored ka o kung inggit ka lang sa mga kaibigan mong laging may ka-date. Sabi nga nila, the grass is greener on the other side.
Wushu. Hindi rin.
The grass is greener where you water it.
Kaya samantalahin mo kung anong binigay na sitwasyon sayo ni Lord. Kasi kung anumang yung gusto mo, higit pa diyan yung bagay/tao/relasyon na inilaan Niya para sayo. Wag kang atat. Wag kang praning. Wag kang adik. Magdasal ka lang. Magtiwala ka sa Kanya at sa plano Niya sayo. Maging komportable ka sa pag-iisa mo. Matuto kang maghintay ng payapa. Hilingin mo na kung sino man yung ibibigay Niya sayo eh mas malaki yung pagmamahal sa Kanya kesa sa pagmamahal niya sayo. Kasi kung wala siyang takot at pagmamahal sa Diyos, paano pa kaya sayo?
Siguraduhin mo lang na ikaw rin mismo, katulad ng hinihiling mo sa Diyos. Kasi lahat ng binabato natin sa buhay, yun rin lang yung nakukuha natin pabalik. Tawagin man natin yang karma. The Law of Cause and Effect. The Law of the Reciprocity. Isa lang pinaparating ng mga yan, kung ano ang givesung mo, yun din ang achieve mo ‘teh. Walang swerte sa mundo. At hindi ikaw ang exception.
Kaya para sa mga mag-jowa, congrats. Keep it up. Hindi ito yung panahon para maghanap ka ng taong mas babagay sa inyo. Hindi ka na single. Patibayin niyo yung pagsasama niyo pero wag kayo masyadong magpakalasing sa pag-ibig. Relax, sit back and enjoy the ride.
Para sa mga single/heartbroken/nag-momove on, wag mag-alala. Mauubusan muna ng tubig sa mundo bago maubusan ng pagkakataong may magmahal sa’yo ng tama at totoo. Steady ka lang. Baka pagkakitaan at ikasikat mo pa yang pagiging sawi mo sa pag-ibig tulad ni Adele. Yan ay kung may boses ka. Kung wala, hanap ka na lang ng ibang pagbubuntungan ng emosyon. Tulad kong nagdadadaldal ngayon sa Tumblr.
Para sa may mga asawa, more powers. Oo, plural. Mahirap ang buhay mag-asawa kaya hindi ako nagtataka kung pati kapangyarihan ng Power Rangers, trip niyo nang i-summon. Pero mas mainam pa rin kung sa Diyos kayo kumapit. Maaring minsan ay gusto niyong kayo na ang magwakas ng mundo ng asawa niyo, pero wag naman. Masikip ang mga kulungan sa Pilipinas. At hindi lahat ng tao sa mundo ay pinalad na maging kasing-talino ni Michael Scofield sa Prisonbreak na kaya lusutan ang kapulisan at hustisya. Parang may sademonyo lang.
Para sa mga taong “it’s complicated” ang keme sa Facebook, hindi naman complicated ang love. Tao lang yung complicated. Kaya ayusin niyo muna yung sarili niyo at bigyan niyo ng panahon at pagkakataon yung mahal niyo na ayusin din yung sarili nila. Tsaka kayo magmahalan ulit. Kung hindi umubra, wag mo nang ipilit. As of October 2011, pitong bilyong katao na ang nabubuhay sa mundo. Hindi ko naman sinasabing magpaligaw o ligawan mo silang lahat, pero wag kang umarteng dadalawa lang kayo sa mundo ng jowa mo.
O siya. Yun lang. Naks. Kala mo naman ang ikli lang sinabi ko.
Happy Valetine’s Day ulit.
<3 ,
Echoserang Kusinera
You are entirely up to you. Make your body. Make your life. Make yourself.
(Source: thespartanwarrior)
Mari-realize niya na ang pag-ibig ay laging paghahanap. Pero hindi niya kailanman mahahanap ang [tao] dahil ang totoong hindi niya mahanap ay ang kanyang sarili.
– Lucas, Para Kay B by Ricky Lee(Source: wildeyelashes)
Via frosted glass wallPencils are made with erasers to give you a chance to correct things. But the real logic is, erasers on pencils were made small for you to remember that chances to make things right are not unlimited.
(Source: simplyAthens)
For beautiful eyes, look for the good in others; for beautiful lips, speak only words of kindness; and for poise, walk with the knowledge that you are never alone.
– Audrey Hepburn Via The Beauty of Life
Be with someone who knows exactly what they have when they have you, not someone who will realize it when they’ve already lost you.
(Source: couurtneyt)



